Father's Day.
NOTE! mag-TATAGALOG ako ngayon. Nakakapagod mag English.
May he rest in peace and be with our loving God.
5years before.
10months walang sahod ang Tatay ko, 10months din kaming hindi nagkita. 10months kaming nahirapan, 10months kaming walang makain. Sa 10months na ito, natuto kaming mag hanap ng paraan para lang makakain at makapasok ng eskwelahan. Nahirapan ng husto ang Mama ko para lang makahanap ng paraan upang makakain kami, napilitan kaming pumasok sa public school at maglakad pauwi. Sa edad kong 11y/o natuto akong mag hanap ng paraan upang makatulong kami sa Mama namin, kaming magkakapatid, nagtulungan para lang makahanap ng mga bote, plastic, bakal at kung anu-ano pa para maibenta lang at magkaron ng pera pang bili ng makakain namin. Ganon kahirap ang buhay nang wala ang Tatay namin samin.
November 10, 2005. Nakauwi na samin ang Tatay namin at nagkaron narin kami ng pera.
November 13, 2005. Binilhan nya ako ng gift na gusto ko, ang pinakauna kong cell phone na nasa akin parin ngayon.
November 15, 2005. Kinailangan nyang bumalik ng trabaho, ang araw ding ito ay ang araw ng kanyang kamatayan. Tanghaling tapat ng inambush ang Tatay ko ng mga armadong tao.
Ang araw ding ito mismo ay ipinangako nyang magbabago na sya at di nya na sasaktan ang damdamin ng nanay ko, ipinagbilin nyang alagaan ko ang pamilya namin, babantayan ko ang nanay ko at alagaan ang mga kapatid ko. Marami syang iniwang mga pangako samin na dapat sana'y magagawa nya na. Kaso namatay sya, kinuha na ni God ang buhay nya. Alam kong may rason sya kung bakit nya ginawa yun.
USAPAN SA CELLPHONE
Tanghali ng kumakain kami sa isang fast food chain.
TATAY : Nak, ingatan mo mga kapatid mo, tulungan mo mama mo ha. Wag mo syang bigyan ng sama ng loob.
AKO : Opo Tay, ingat ka dyan.
TATAY : Ok, ibigay mo na kay mama.
MAMA : Oh ano man?
TATAY : Pangako ko mag-babago na ako. Mag ingat kayo parati. Ang mga bata ha!
MAMA : Oo, mag ingat ka din dyan.
TATAY : tooooooooooooot. ( Biglang na-off ang cellphone )
Eto na pala ang sign na mamamatay na ang Tatay ko. :(
Mahalin nyo Tatay nyo hanngang nabubuhay pa sya. Bago kayo mag-sisi.
Labels: Family
6 Comments:
hala. is that true? pano xa inambush? aww. sorry to here that. :(( iba tga ang father's love noh. haay. but i'm sure binabantayan ka nya ngayon. so dont worry, physically dead lg yan, but he's always living in you ;)
Yap, nawalan aq ng guidance. rebel nga aq dati. ^_______^ dhl 1year dn ang mama q na di kmi naaasikaso. mahirap tlg mxado. :(
omo~ really felt sorry to hear that :'( bigla ko tuloy naalala daddy ko T.T sana okay lng sya ngayon sa BH...
btw, ahhh...sis buti naman at naka move on ka na ^^
ako, kung mangyari yun sakin, ewan ko nalang ;__;
balated HAPPY FATHER'S DAY sa lahat ng TATAY, PAPA, DADDY, APPA, AMA, (etc..kung ano pa man pwde tawagin)
=))
what hapend to your dad krish? why was he ambushed? i cant imagine loosing my mom and dad, especially only child ako. =( i could just imagine the pain and loneliness lurking inside.
but past na yun dba? hows you and your family doing so far?
awtts. I felt so sorry about your dad sis. :(( so sadddd about what had happened to your family T____T just keep on praying and having FAITH in God. :) He has a better plan for you. :D
nasad ako nung nabasa ko :S
Well anw, I admire your strength sis(:
I'm sure super proud tatay mo kung asan man sia ngaun, at mahal na mahal niya kau talaga...
God bless sis!
ilove-pink.info
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home